Dyornalistang binaligtad ang totoo
(Sagot sa kolum ni Horacio "Ducky" Paredes, Abante, Marso 18, 2010, pahina 4)
Kasinungalingan ang kolum ni Horacio Paredes. Ayon sa kanya, nanalo daw ang Buklod sa halalan at talo ang Bisig. Na kabaligtaran! Ito ang pinakalaman ng kanyang kolum. Ito ang angklahan ng lahat ng kanyang argumento laban sa mga welgista.
Sa journalism, ang kauna-unahang rule na dapat sundin ay objectivity of facts. Ibig sabihin, katotohanan lang. At ang facts na nakuha ay bini-verify muna ng ilang beses bago gamitin sa isang sulatin.
Saan kaya nakuha ni Paredes ang datos niya na panalo ang Buklod at talo ang Bisig? Nagresearch ba siya sa mga records ng BLR-DOLE na siyang nagconduct ng C.E.? Kung sana ay sinunod ni Paredes ang basic na itinuturo sa mga paaralan ng dyornalismo, disin sana'y nakita niya sa kanyang pag-iimbistiga na ang nanalo sa nakaraang halalan ay ang Bisig at di ang Buklod.
Pero sa tagal na ni Paredes sa dyornalismo, tinubuan na siya ng tahid dito. Alam na alam niya ang basic rule ng objectivity sa journalism. Pero bakit nagawa niyang baliktarin ang totoo?
Sinlaki ng mundo na question mark ang agad na papasok sa ating isipan kung bakit ang kabaligtaran ng katotohanan ang isinulat ni Paredes. Question mark na tutungo sa pag-iisip agad na nabayaran ng MALAKI ng Goldilocks manedsment itong si Paredes para birahin nang todo ang mga welgista at panigan ang kumpanya.
Pero kahit na ang sagadsaring maka-kapitalista na manunulat ay hindi talamak na isusulat na nanalo ang totoong natalo. Bakit sinabi ni Paredes at ginawang batayan ng lahat ng kanyang argumento na nanalo ang Buklod kahit totoong talo? At hindi ito ang isyu sa welga!
Matanda na kasi si Paredes. Tamad ng mag-isip. Iyan ay natural na tunguhin ng katawan at isip ng tao, depende sa lifestyle at body constitution na minana sa genes ng mga ninuno. Dapat ay nagpapahinga na siya sa tumba-tumba. Kulang pa ba ang naipon niyang payola ng mga kapitalista sa kanyang pagsusulat laban sa mga manggagawa hanggang sa kanyang pinal na pamamahinga?
Pero di yan gagawin ni Paredes. Sapagkat siya ay isa sa mga bangaw sa midya. Ang masmidyang naglilingkod sa mga kapitalista at sistemang kapitalismo. Maglilingkod yan sa mga kapitalista hanggang kamatayan! Gem de Guzman
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento