BUKAS NA LIHAM SA LAHAT NG TAGATANGKILIK NG GOLDILOCKS
(Sagot sa inilathala ng Goldilocks Company sa Philippine Daily Inquirer, Marso 16, 2010)
Marso 16, 2010
Mga kababayan,
Pagbati sa inyong lahat!
Marahil di na kaila sa inyo ang nagaganap na sigalot sa pagitan ng mga manggagawa ng Goldilocks at ang mga nagmamay-ari nito. Obligadong ipaliwanag namin ang mga totoong pangyayari kung bakit humantong sa pagwewelga ang manggagawa noong Marso 11, 2010.
Hindi biro ang limang taong pagpupunyagi ng mga manggagawa ng Goldilocks na magkaroon ng isang tunay na unyon sa kompanya. Dito po nagsimula ang pinakaugat na problema. Ang mga kaganapan nitong huling dalawang taon ay nagpapatunay lamang ng tunay na kulay ng may-ari, ang pagiging gahaman nito sa tubo at paggamit mismo ng batas upang yurakan ang mga karapatan ng mga manggagawa at pairalin ang kapangyarihan sa pamamagitan ng salapi.
Kung totoong desperado ang mga manggagawang hindi makipagkaisa at maging wala sa katwiran ay dapat noong 2006 pa lang ay lumikha na siya ng kaguluhan. Bago pumutok ang welga nitong Marso 2010, may dalawang magkasunod na “NOS” (Notice of Strike) ang naisampa pero di ito itinuloy dahil pumasok sa proseso ng konsilyasyon ang mga manggagawa. Ang nagtulak sa manggagawa na gawin ang pag-aaklas ay nang isakatuparan ng kompanya ng Goldilocks ang iligal na pagtatanggal sa may 127 na manggagawa noong Pebrero 8, 2010. Hindi na pinapasok sa kompanya ang mga nasabing mga manggagawa. Sa katunayan, napilitang magpiket ang mga tinanggal na manggagawa nang sumunod na mga araw. Iligal ang ginawa ng kompanya dahil matapos matanggap ang kautusan ng NLRC kaugnay sa dismissal ay agarang ipinatupad ng management ng wala pang “entry of judgment” na siyang marapat na proseso bago ipatupad ang pagtatanggal. Kabalintunaan ang pahayag ng kompanya na ang manggagawa pa ngayon ang may kasalanan na hindi nagsampa ng apila sa korte. Para saan pa ang apila sa korte na ang kautusan ay agaran nang ipinatupad.
Anila, “binigyan daw nila ng “ample time“ ang mga manggagawa para mag-apila. Pero ang katotohanan ay di nila binigyan ng “ample time” ang mga manggagawa bago ipatupad ang ginawang pagtatanggal.
Ang nakakalungkot sa ahensiya ng ating gobyerno tulad ng DOLE at NLRC, imbes kastiguhin nila ang kompanya dahil sa pambabalasubas nito sa manggagawa ay sila pa itong numero unong konsintidor at naglalabas ng mga disisyong pumapabor lamang sa mga kapitalista. Sa naging disisyon ng NLRC noong 2009, kwestyunable at nakakapagduda ang nilalaman nito; Una, pagpapatibay na walang unfair labor practice na nilabag ang Goldilocks Management, Ikalawa, binigyan ng karapatan ang natalong unyon sa Goldilocks na siyang maki-pagCBA at panghuli ay ang pag-aangat sa picket protest bilang illegal strike na batayan sa pagtatanggal sa mga manggagawa. Ang desisyong ito ay inapela ng mga manggagawa pero ito’y binastos ng management at dagliang ipinatupad. Sa katunayan, ang kompanya ay nakipag-CBA sa natalong unyon.
Kahit nakawelga, ang mga opisyales ay bukas sa pakikipag-usap. Pero likas ang katusuhan ng Kompanya. Sinasabi nila na hindi daw sila nagtanggal at gumawa ng buhol-buhol na kasinungalingan para mapagtakpan ang iligal na ginawa sa DOLE.
Sa kasaysayan ng Goldilocks sa loob ng apatnapung (40) taon, 2 matitingkad na pangyayari ang magpapatunay kung anong klaseng kompanya ito. 3 manggagawa ang pinatay sa piketlayn at anim ang nasugatan bunsod ng unang welga noong 1991. Gayundin noong 2004, hindi nabago ang ginawang nitong pagtatanggal sa mga manggagawa dahil sa panahong yon pitumpung (70) tagaluto ang kanilang iligal na tinanggal.
Mahaba na po ang sakripisyo naming mga manggagawa sa Goldilocks. Apatnapung taon naming itinaguyod upang abutin nito ang mahigit sa dalawang daang (200) puwesto sa buong kapuluan at maging sa labas ng bansa. Pero ano itong ginagawa ng Goldilocks? Lalo nitong pinalalakas ang tubo habang ang mga manggagawa nito ay pinagkakaitang mabuhay ng disente. Layon ng pagtatanggal ay mapalitan ng mga kontraktwal ang kasalukuyang manggagawa ng Goldilocks upang makatipid sa gastusin sa pasahod at benepisyo at lalo pang kumita ng limpak-limpak ang kompanya.
Mga kababayan, kami ay walang kakayanang magpa-paid ad sa mga malaganap na pahayagan, ang sa amin ay ang pagyakap sa katotohanan. Hindi namin kayang baluktutin ang batas at lalong wala kaming kakayanang manuhol ng mga tiwaling opisyal ng gobyerno. Kami ay naghahangad lamang na mabuhay ng marangal, may dignidad at karapatan.
Tatagal pa ang aming laban at ngayon pa lamang ay nagpapasalamat na kami sa lahat ng aming tagasuporta di lamang dito sa ating bansa maging sa ibayong dagat. Natutuwa kami sa mga tugon mula sa iba’t ibang sektor lalung lalo na sa mga kapwa unyon. Sa mga maralita at iba pang uring anakpawis. Sa mga panggitnang puwersa na karamihan ay nagbibigay inspirasyon sa amin sa pamamagitan ng internet, sa partikular sa facebook at friendster. Lahat kayo ay aming ipinagkakapuri dahil nanawagan kayo ng aming pagbabalik sa trabaho at mabigyang hustisya ang kalagayan naming mga manggagawa.
Ituloy po natin ang pansamantalang di pagtangkilik sa Goldilocks hangga’t di kami naibabalik sa aming trabaho!
Muli ang aming marubdob na pagpapasalamat,
127 iligal na tinanggal na manggagawa ng Goldilocks
BISIG-AGLO-BMP