Sabado, Hunyo 26, 2010

Tuloy na ang Certification Election!

Bukluran ng Independenteng Samahan na Itinatag sa Goldilocks
Association of Genuine Labor Organizations
(BISIG – AGLO)
DOLE Certificate of Creation No. PFC-028-2008-CC
c/o Rm 236 Regina Bldg., Escolta, Manila 1000



PAHAYAG SA COURT OF APPEALS DECISION
TULOY NA ANG CERTIFICATION ELECTION!

(Hunyo 28, 2010)

Sariwa pa sa ating alaala ang desisyong inilabas ng Court of Appeals (CA) sa Apila ng BUKLOD sa naging Resolusyon ni Hon. DOLE Under-Secretary Romeo C. Lagman na pinagtitibay ang Decision ni Hon. DOLE-NCR Med-Arbiter Alma Magdaraog-Alba na ang BISIG ang siyang “exclusive bargaining representative of the rank and file employees of Goldilocks Bakeshop Inc. Ipinag-uutos ng Court of Appeals sa asuntong ito na Buklod ng Manggagawa sa Goldilocks Bakeshop (Petitioner) versus Undersecretary Romeo C. Lagman, Med-Arbiter Alma Magdaraog Alba and Bukluran ng mga Independenteng Samahan na Itinatag sa Goldilocks (BISIG), (Respondent) na may case no. CA-G.R. SP No. 105751 ang sumusunod:

“WHEREFORE, the petition is GRANTED. The DECISION dated 8 July 2008 and the Resolution dated 15 September 2008 are hereby ANNULLED and SET ASIDE. Accordingly, the Department of Labor and Employment (DOLE) is directed to conduct a new certification election in order to determine the sole and exclusive bargaining representative of the employees of Goldilocks Bakeshop Inc. The management is ordered to allow all its employees to participate in the certification election and to assist in the holding of an orderly election. The election supervisors or representation officers are also enjoined to fulfill their duties under the Labor Code and the rules and regulations implementing the same.”

Dismayado ang BUKLOD sa naging desisyon ng CA. Hindi ito nag-aksaya ng panahon at nagdudumale na naghain ng kanilang Motion for Reconsideration (MR).

Noong 18 June 2010, inilabas ng CA ang kanilang desisyon sa nabanggit na MR ng Buklod. Isinasaad sa Resolution na:

“The motion for reconsideration and manifestation filed by petitioner (BUKLOD) on 19 November 2009 and 28 December 2009 respectively presented issues which have already been discussed and passed upon in our decision promulgated on 29 October 2009 for which reason We find no compelling reason to alter, modify, much less reverse the subject decision.

WHEREFORE, the motion for reconsideration is denied for lack of merit.”

Sa pangyayaring ito, maliwanag na tuloy na ang certification election. Ibayo nating pasiglahin ang ating paghahanda at pag-oorganisa upang maipagtagumpay ang BISIG-AGLO, ang ating tunay, progresibo at responsableng union. Tiyakin natin na maipagtatagumpay natin ang ating union upang tuloy-tuloy at puspusang maisakatuparan ang tuloy-tuloy at walang humpay na pagbabago para sa kapakinabangan at kapakanan ng mga manggagawa’t empleyado ng Goldilocks Inc.

Nananawagan kami sa mga kapatid at mga kasama naming mga manggagawa na naniniwala pa sa buktot, makasarili at maka-kumpanyang liderato ng BUKLOD na imulat na natin ang ating mga mata at pag-iisip. Kasaysayan ng pag-uunyon dito sa Goldilocks ang nagtuturo sa ating lahat kung gaano kabulok ang pamumuno at mga aktibidad ng BUKLOD.

Sama-sama at kapit-bisig tayong magmartsa tungo sa tagumpay.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento